bike

Magbibida lang muna ako. Just this Monday, I rode my bike to school. Matagal ko nang pangarap yan, nung nasa Baguio pa ako. I just couldn’t afford a bike then. Anyway FYI lang, takot ako magbike papuntang Diliman ng mag-isa dahil kelangan kong makipagsapalaran sa iba’t ibang uri ng sasakyan, makipag-angasan sa mga driver na walang respeto sa mga cyclist, at suminghot ng pagkarami-raming usok sa 9-lane (ata) na Elliptical Road. At hindi diyan natatapos ang pinoproblema ko dahil pauwi e kelangan ko namang makipagsabayan sa mga one-way ticket to hell na metro buses plying along Commonwealth Ave.  Scary talaga! Hindi naman kasi ako daredevil, enthusiast lang. Anyway, ang hindi ko naisip e may isa pa palang daan mula sa amin sa Visayas Ave. papuntang Commonwelath Ave na hindi masyado marami ang dumadaang sasakyan. Kaya ayun, doon ako dumaan papuntang school. Kaso medyo sumakit hita ko sa pagpadyak kasi puro paahon ang kalsada. Yun ang kapalit ng Visayas Ave-Elliptical Rd-Commonwealth Ave original route ko. Pero okay lang dahil nakarating naman ako sa destinasyon ko ng buo, walang galos, at nakainisan na driver. One simple dream accomplished! It was a good way to start the week right.

Eto pala ang mga natutunan/realizations ko (uli):

1. Always, always have alternative plans in case Plan A doesn’t work.

2. May paraan para maabot ang kahit anong pangarap. Kelangan lang ng will to do it, mag-risk at konting imahinasyon. Hindi rin kailangang magmadali pa ra sa realization nito.

3. I am really capable of doing things on my own. Pero masarap pa ring may kasama paminsan-minsan para may ka-share ng experience.

4. Karamihan talaga ng drivers dito sa Manila ay walang respeto sa mga cyclist… may bike lane man o wala. How I miss the polite drivers in Baguio. Nasa attitude talaga ng mga tao ang problema.

5. Agaw pansin pa rin ang mga babaeng nagba-bike. Except na lang shempre para sa tri-athletes at sa mga nagrerenta ng bike sa mga park. Kaya.. buwagin ang socially created gender roles for a gender-sensitive, gender-equal community.

6. Go for the natural high pa rin. :)

2 Responses to “bike”

  1. Luz Marian Says:

    wow wish ko lang magawa ko rin yan…from katipunan to commonwealth…kaya lang dadaan pa ng footbridge…mabigat iakyat ang bike wa poise…palpak tlga ang transportation system ng Pilipnas…eto pa naman ang ‘circulatory system of the economy’..kelan kaya maaayos to…buti pa sa ibang bansa ang gaganda ng bike lanes and parking area…

    (wala lang…nagpaparamdam lang…miz u ate k-ann…)

  2. patricia Says:

    gleng, natupad din! -iks(y m i currently signed in as patricia?)

Leave a Reply