liberal na nga ba ang pinoy?

Nag-iikot ako sa isang mall sa Cebu tapos nakakita akong ng t-shirt na ganito ang nakalagay: NOT FRAGILE — HANDLE AS YOU LIKE (big arrow down). When seen to be just a bunch of words then there’s no issue but that is not the idea of printing it of course. Sa ibang shirts naman na nakikita ko dito sa Kamaynilaan ay graphic ang mga sexual messages. Paganahin niyo na lang imahinasyon niyo ha kasi hindi ko na sila ide-describe. Make your mind soar!

Unti-unti na ngang nagiging liberal ang mga Pinoy. Ang dating taboo na sex ay ipinangangalandakan na ngayon. Hindi kaso sakin kung liberal na ang lipunan. But aren’t we robbing the kids of their innocence? At walang processing sa mga nakikita/nababasa/naririnig nila. Pa’no na? Kanya-kanyang pagtuklas na lang ba? Siguro kung nasa grade 4 and up ay medyo makakaintindi na. Pero pano naman yung mga nasa kinder or grade 1 pa lang? Ano bang naiintindihan nila sa makamundong mundo na ito? Haay.

Minsan iba ang interpretasyon sa salitang liberal. Siguro para sa ilan, ibig sabihin nito ay no boundaries, total freedom. Pero diba kasama nun ang responsibilidad? Mukhang eto yung nakakalimutan o kinakaligtaan.

Leave a Reply