usapang cock!

This one’s almost over a year old and I’ve posted this somewhere else nevertheless I hope you get something from this. Makakarelate naman kayo. Enjoy!

———–

Hindi ko alam kung bakit nauso yang mga shirt na may sekswal na mga mensahe (text at graphics). Sa totoo lang, ayoko talaga ng mga ganun. Pa-macho ang tingin ko sa mga taong nagsusuot nun. Nandiyan yung mga lines na kung papaiksiin e ganito lang ang sinasabi: sex guru, lover boy, boy toy at kung ano pa (malamang madami kayong idadagdag pa). Ipangalandakan pa daw bang magaling siyang makipag-sex! (in terms of endurance, creativity and the likes) Wish lang natin totoo. Pero hindi ko pala winiwish na malaman. hehe.

Kahapon after work, nagmamadali akong naglakad papuntang Farmers Cubao para bumili ng surprise birthday cake para sa kabarkada ko. Hindi ko alam kung saan ang Goldilocks dun kaya hindi magkandaugaga ang ulo ko sa paglingon-lingon (opo, alam kong libre namang magtanong pero hindi ko ginawa). Hanggang sa may isang lalaking pa-macho ang dating ang nakapukaw ng aking atensyon! Ay mali, isang t-shirt lang pala dahil hindi naman nagsha-shine sa crowd yung looks ng lalaki (hehe).. ang una kong nakita sa sulat sa shirt niya ay COCK! shempre basa naman ako agad. Wag plastik! For sure e babasahin niyo rin! Eto yung nakasulat sa harap: my cock was there (arrow down na nakaturo sa direksyon ng crotch). Naka-small caps pero super bold kaya talagang madaling makita. Sekswal agad ang inisip ko! Pero dahil double meaning naman minsan ang mga mensahe sa ganung shirt i-analyze muna natin for balance and fairness (charus!): my cock was there… literally, ang tandang ko ay naroon (in rough filipino translation) pero sa konotasyon, ang etits ko ay naroon. tama? pero eto yung catch, sabi WAS. Um, eh di operada sha? Was daw e! hahahaha! Nangingti talaga ako habang naglalakad.

This time the message worked against him. Instead na ginlorify niya ang sarili niya for declaring his cock’s presence e lumabas  na na-"castrate" siya. Nasa akin pa rin ang huling halkhak! hahaha!

Nakakainis na nakakatawa kasi hanggang sa mass reproduced na t-shirt ba naman e may grammatical errors pa! Hindi ba huming ng second opinion yung sumulat or nagpa-edit man lang kahit one liner lang yun. Pero pwede rin namang magaling yung nag-conceptualize nun. Sinadya kung baga para sa mga tatanga-tangang pa-machong sunod sa uso na hindi nagbabasa at nag-a-analyze sa nakasulat sa shirt na bibilhin at balak ibandera sa publiko. The idea is to "castrate" (probably every man’s fear - please correct me if i’m wrong) and not glorify him.

Honey, next time, please read and think kahit konti lang! :p

2 Responses to “usapang cock!”

  1. Cheextzet Says:

    hi there!
    I made with photoshop anime myspace banners.
    take a look at them:
    http://tinyurl.com/5ajypv
    Thanks a lot 4 your website :-) xoxoxo

  2. Tymnasymnag Says:

    Hi your website is cute
    I have a new band and we just had a live gig u can see here:
    http://tinyurl.com/a6olap

Leave a Reply