Archive for May, 2007

Pagbati si Pagsinta

Wednesday, May 23rd, 2007

PAGBATI SA PAGSINTA

ni Joi Barrios

Nakatindig kong babatiin ang pagsinta.
Hindi nakahimlay at nahihimbing
na kailangang gisingin ng halik,
hindi nakaupo’t naghihintay
na para bang ang kanyang pagdating
ang kabuuan ng buhay,
hindi nakatingkayad o lumilipad
na nakikipaglaro sa hangin at pangarap.
Nakatayo ako’t sumasayad
ang paa sa lupa,
pagkat lagi’t lagi,
nakayapak ako kung umibig.