Pagbati si Pagsinta
PAGBATI SA PAGSINTA
ni Joi Barrios
Nakatindig kong babatiin ang pagsinta.
Hindi nakahimlay at nahihimbing
na kailangang gisingin ng halik,
hindi nakaupo’t naghihintay
na para bang ang kanyang pagdating
ang kabuuan ng buhay,
hindi nakatingkayad o lumilipad
na nakikipaglaro sa hangin at pangarap.
Nakatayo ako’t sumasayad
ang paa sa lupa,
pagkat lagi’t lagi,
nakayapak ako kung umibig.
May 24th, 2007 at 2:59 am
joi barrios! ang galing talaga niya sumulat no? tropang bodabil at UP peryante ang grupo niya noon. kasama niya si malou maniquis. way before your time.